Ang pakikipagkaibigan
Posted by : Morojasan
Post Date : May 27, 2010 06:48:46 AM
Ang pakikipagkaibigan Posted by : Morojasan
May 27, 2010 06:48:46 AM Location : Marawi
Ang pakikipagkaibigan

Ang sabi nila wala kang kaibigan kung wala kang kaaway. May mga tao na mas marami ang kanyang kaaway kay sa kaibigan o di kaya ay marami ang kaibigan at iilan lamang ang kaaway. Ang pagkakaroon ng kaaway ay normal, ang kasabihan nga ng mga magagaling na pinuno ay ang kanilang mga kaaway ang nagbibigay sa kanila ng inspiration.

Ang saakin naman ay iwasang makipag-away lalo na sa kaibigan. Tama na di ma-iiwasan na sumamama ang loob natin sa ating kaibigan minsan, ngunit para sa akin intindihin natin ito kung hindi naman niya sinasadya ang kanyang nagawang pagkakamali. Oo, mahirap ang sinasabi ko dahil hindi lahat ng tao ay marunong umitindi ng kaibigan, ngunit basi sa aking mga karanasan at observation sa pagkakaibigan ay ang mga taong marurunong umitindi ng kaibigan ay sila ang nangunguna sa lahat, nagiging presidenti ng kanilang samahan, ng colleges, universities, Mayors, Governors, at ang malala ay maging leader ng isang bansa.

Ang mga tao naman na sadyang makasarili o mapride kuno ay napag-iiwanan, kahit isang langgam ay di kayang pamunoan, o di kaya ay kahit naka chamba silang maging pinuno halimbawa ng isang organization ay madali silang bumabagsak sa pinaka maliit na antas ng organization. Dahil sa hindi sila marunong magpasinsya o umunawa sa kaibigan ay dali dali silang nagagalit at ginagawang kaaway ang kanilang dating kakampi, dibali sabi nila dahil marami naman akong magiging bagong friends, ngunit ang di nila alam ay ang dati nilang kaibigan ay alam ang lahat ng secreto niya at magagamit ito laban sakanya.

May mga kaibigan naman na talagang sinasadya ang kanyang kasalanan at sa pagkakataong ito ay pwedi mo na silang parusahan, ngunit basi naman sa aking karanasan ay mas makakabuti nalang na manahimik kung hindi naman ito makaka apikto sayo. Halimbawa kung nahati ang grupo mo sa dalawa, pumunta ka sa mga tunay mong kaibigan na di ka iniwan sa iri, at wag na wag mong sisiraan yong mga umaapi sayo o umaaway sayo. Kapag tinatanong ka, ang sabihin mo ay yong mga magaganda nilang gawain, at wag na wag mong e claim ang isang bagay na kunwari ikaw lang ang naka achive non, sabihin sila ang may pakana, kung hindi dahil sa kanila ay wala tayong ganito o ganyan. Sa puntong iyon ay iisipin ng mga tao na ikaw ang tama at mali ang mga kaaway mo.

Pagdating ng panahon ay maiintindihan din ng mga kaibigan mong umaway sayo na tama ka at dahil doon ay babalik ang kanilang paghanga sayo bilang kanilang kapatid. Tandaan na ang mga kaibigan ay parang kampo yan na sa dami ng tapat mong kaibigan ay yon din ang tindi ng kampo mo na hindi maaring pasukin ng mga kaaway. Hindi kailangan ng maraming kaibigan kung hindi naman sila tapat sayo, dahil mapapadali ang pagbagsak mong iyan.

Kapag ikaw ang pinuno ng isang organization ay bawal na bawal sayo ang magreklamo, dahil ikaw ang parating nag-iisip ng solution. Ang mga ordinaryong membro ng samahan lang ang may karapatang magcretics sa kapaligiran. Talagang ganon ang buhay, ikaw ang pinuno kaya pasanin mo ang lahat ng problima.

Ang maipapayo ko naman sa mga membro ng organization ay bigyan ng kunting paunawa ang namumuno sa inyo dahil hindi sila simpling mga tao lamang. Dahil Iba ang kanilang pag-iisip at pag-uunawa sa mga bagay bagay. Ang ibang tao ay masayang masaya kapag kasama ang kanyang chicks, masayang masaya sa tuwing nakakalaro ng billiard, basketball, succer, o nakakakanta sa hintablado, o nakakakuha ng mga gudgets, o may bagong sasakyan at bahay.

Ngunit ang mga pinuno ay wala doon ang kasayahan lalo na yong mga cause oriented o may ipinaglalaban sa buhay. Lahat problima ang nasa isip nila, parating nag-iisip iyan ng malalayo, hindi mo lang napapansin. Kapag naka tingin iyan sa ibang bagay akala mo nandon ang kanyang isipan yon pala nasa Palestine o Afghanistan. Kapag nagkukuwentohan kayo akala mo ikaw lang ang pinapakinggan, yon pala lahat ng nagsasalita sa kapaligiran niya, pati aso iniisip ano ang ibig sabihin ang pagtahol niya.

Kaya para saakin ay ang pinaka magaling na maging kaibigan ay idealismo, ang ibig kong sabihin ay kapag may nakitang kang tao na nababalut ng idealismo ay wag kang mag atubiling maki pagkaibigan sa kanya dahil hindi ka malulugi sa kanya. Dahil hindi kayo mag-aaway sapagkat hindi niya sayo aagawin ang mga bagay na gusto mo, basta wag mo lang din kukuntrahin ang kanyang idelismo.

Ang pagiging idealistic mind ay nagsisimula yan sa kabataan, walang matanda na saka naka isip ng magaganda para sa kanyang bayan noong siya ay tumanda na. Ngunit nag-iiba iba sila sa panahon kung kailan nila napapanalonan ang kanilang mga minimithi, minsan noong bata pa sila, mayron naman na tumanda na sila, may mga iba rin sa kanila na hindi na naabotan ang kanilang mga pangarap para sa bayan noong ito ay naikasatuparan na.
reply quote